GORGY RULA
Ngayong Marso 18, 2023, Sabado ng 6:00-7:00 p.m., ang pilot episode ng bagong komediserye ng TV5, Viva Entertainment, at Sari-Sari Channel na Kurdapya.
Si Yassi Pressman ang bida nitong sitcom.
Sa nakaraang mediacon ng Kurdapya, sinabi niyang matinding challenge sa kanya bilang kambal, ang jologs na si Kuring at ang sosyal na si Daphne, ang gagampanan niya.
Mas lumala ang challenge sa kanya nang mag-switch ng karakter ang kambal, kaya parang apat na magkakaibang atake ang ginawa niya rito.
Read: Yassi Pressman, nagdalawang-isip tanggapin ang comedy role sa Kurdapya
PHOTO: Viva Television
Pero ang isa pang challenge sa bagong sitcom nito ay ang dalawang lead actors na sina Marco Gumabao at Nikko Natividad.
Si Marco ang gumaganap bilang tambay na si Carlos, at si Nikko naman ang pasosyal na nouveau riche.
Sabi ng direktor mg Kurdapya na si Easy Ferrer, nung inaayos ang casting, sinadya nilang ibigay kay Marco ang role ng tambay kahit mas bagay siya sa mayamang role, at si Nikko sa mayaman na tambay na tambay naman ang dating, para doon ang mas nakakatawang panoorin.
"Paano pa nila paglaruan ang sarili nila kung nandun sila sa comfort zone nila?" pakli ni Direk Easy Ferrer sa mediacon ng Kurdapya.
"Lumayo sila. Mas nakakatawa si Nikko pag nag-acting siyang mayaman at mas nakakatawa si Marco pag alam nating nag-acting siyang tambay."
Ang kuwela nga nang magpa-sample na sina Marco at Nikko kung paano mag-usap ang tambay at mayaman.
Kuwento ng dalawang aktor, bago sila humarap sa entertainment press, nagpaturo raw si Nikko kay Marco kung paano umarte bilang isang conyo kid.
Ani Marco, "Natatawa ako sa mga conyo na nagpapatawa sa social media. The way they talk na parang in a very, kumbaga, comedic way, e, nag-aral ako sa all-boys school before.
"Pag magsalita yung mga lalaki sa school namin… nakakatawa lang. Iyon ang itinuro ko kay Nikko ulit.
"Totoo yung sinasabi namin na therapy siya for our show, kasi nalalabas namin yung side namin na hindi napapakita visually.
"So, tama yung sinasabi ni Direk na if I’ll play the role na mayaman, parang ang safe. Walang bago.
"Pero if we switch roles, mas nakakatawa po siya, and mas free to introduce stuff na hindi namin usually nagagawa."
Mapapanood na ang Kurdapya sa TV5 ngayong Sabado ng gabi, at may catch-up airing sa Sari-Sari channel ng Linggo ng alas-otso ng gabi.
JERRY OLEA
Sabi ni Direk Easy Ferrer, maganda rin daw yung ma-introduce sa mga kabataan ang isang classic na material at bibigyan ng bagong bihis.
Ang tinutukoy ng direktor ay ang 1954 black-and-white movie na Kurdapya na pinagbidahan ng movie legend na si Gloria Romero.
Saad ni Direk Easy, "Everybody loves this kind of concept, at sa ating mga Filipino viewers, parang alam natin na meron din tayong ganyan din. Classic pa nga, e, 1954 pa. May ganyan tayo.
"Ang maganda, nai-introduce siya into the newer generations na parang meron tayong concept of twins na nag-switch.
"Sabihin man natin na hindi masyadong bago yung premise, pero nabibihisan siya ng bago.
"Parang for the Gen Zs, for the millennials, for the younger generation, makapanood sila ng something na revisionist version kung anong meron tayo na classic. Kasi, nakakatawa naman talaga yung material, nakakatawa naman talaga yung kuwento.
"Kurdapya for me is household name yun, e. Feeling ko, parang nagbukas ng bagong materials ng ganun.
"Kasi sayang, e. Kumbaga, nag-archives tayo ng movies, nag-restore tayo. Why not mag-revive tayo ng something na classic para mas ma-appreciate ng mga audience kung anong meron tayo noon?"
NOEL FERRER
With this new sitcom kasama si Yassi Pressman, Marco Gumabao, at Nikko Natividad; and another one with Kim Molina and Jerald Napoles, ang Team A, parang habang pangmahabaang teleserye ang labanan ng ABS-CBN at GMA-7, ang homegrown TV5 viewing fare is shaping up to be PBA and these sitcoms plus the ABS-CBN variety shows and teleseryes.
Teka, nabalitaan ko na may pictorial at shoot kamakailan ang ilang mga Kapatid natin sa TV5, are they on for a relaunch or a rebrand din soon? Nauuso yata ito ngayon.
All the best!!!
2023-03-18T08:19:45Z dg43tfdfdgfd